Thursday, June 11, 2009

Makabayan is da nyu Pashon Isteytment

Nung nakaraang sabado ako ay nasa Robinsons Galleria, nagkataon na napadaan ako sa stall ng 3 Stars and a Sun ni Master Rapper. Mukhang okay naman ang biz ni Kiko, andaming tao. Astig naman talaga ang mga design ng shirts ni Kiko eh, kaya hindi na nakakabigla na maraming tumangkilik. Noon ko pa gustong bumili (noon as in nung buhay pa sya). Pero nung namatay sya napag isipan ko ngayon na HINDI MUNA AKO BIBILI. Ayokong makisabay dahil “IN” o “USO”. Hintayin ko muna na makitang hindi FAD ang pagsuot nito.

Pero nakakalungkot isipin na kailangan pa manalo ni Pacquiao o mamatay si Kiko para lang tayo maging proud sa lahi natin, pero mas nakakalungkot isipin na kaya lang tayo nagsusuot ng “proud to be pinoy” dahil gusto lang natin makiuso.

Hindi fashion statement ang pagiging makabayan.

Halata naman na ginawang fashion fad ang konsepto ng pagiging makabansa. Pumunta ka sa tiangge may makikita kang japeyks na 3 star and a sun (may pang-EMO pa nga na version eh). Pumunta ka sa palengke may makikita kang mga tsinelas na kulay ng luzviminda…Pero makikita mo rin ang mga brands na ito na suot ng mga nagdye-jaywalk, sila din ang mga makikita mong nagtatapon ng basura sa tabi tabi.

Baka sabihin nyo ang pinupuna ko lang eh ang mga nagsusuot ng peke na 3 star and a sun, wag kayo magalala may mga naka-suot din na orig na 3 stars and sun brand na nagtatapon naman ng mga gamit na sigarilyo kalye ng Ortigas. Meron nga eh mas sosyal…nakasuot ng PRIDE shirt ni kiko nilaglag lang ang venti size na starbucks nya sa sidewalk (kamusta naman).

Respeto sa mga nagmamahal sa bansa, respeto sa mga pinagyayabang yung lahi natin. Pero kung di bukal sa loob mo ang pagmamahal uulitin ko…

hindi fashion statement ang pagiging makabayan.

No comments:

Post a Comment