Thursday, June 11, 2009

Simula't Sumapol

Author's Note - Ang sumusunod na akda ay hindi kasaysayan kung paano nagsimula ang HipHop sa 'pinas bagkus ay isang balik tanaw sa kabataan ng kumatha at kung paano nya naalala ang hiphop noon at kung ano ito ngayon. Kung may mga maling impormasyon na kailangan ng pagtutuwid o Karagdagan kaalamanan na nais idagdag maaring magpadala ng mensahe sa may akda. Salamat mga tsong at tsang.

Lumaki ako na naririnig ang mga kanta ni Kiko at Andrew E. Nakikinig naman ako ng rap music noon, nagkataon lang na hindi ko pa gaano nakakahiligan. Selective ika nga ng iba. Yun yung time na mga nasa mainstream lang ang pinapakinggan ko, pag pinatugtog sa WKC o kaya sa Campus radio okay yan (yup ganun na ako katanda). Noon, sa pagkakatanda ko walang gumagamit ng salitang hiphop, tawag lang nila eh rap (na kung tutuusin ay isa lamang sa apat na elemnto ng hiphop ang iba ay ang DJing o ang paggamit ng turntable, graffiti at breakdancing).Magsuot ka ng baggy pants noon o ng maluwag na shorts dalawa lang ang itatawag sa japorms mo. naka pang-rap ka o puruntong :-)

Bukod kala Kiko at Andrew E. may mga iba pang emcees ang nagsi-labasan nung kalagitnaan ng dekada 90. Ilan dito ay si Michael V. (na ngayon ay mas kilala na aktor/komedyante/host), Lady Dianne,H-Bomb and Denmark. Sa parehong dekada rin nagsimulang magkaroon ng pangalan sa mainstream ang mga hiphop groups andyan ang Four East Flava (sila yung kumanta ng commercial song ng GIBI shoes, so makikita nyo sa mga lumang Gibi shoes yung mga old school posters ng FEF), Masta Plann, Legit Misfitz, SVC, Urban Flow at syempre Death Threat (na nagsimula magpakilala ng gangsta rap).

Nagsimula ako makinig maigi ng local hip hop (tagalog rap) nung nasa 3rd year high school ako. May isa akong barkada na panay kwento na si Andrew E. daw may sinimulan na record label, ako naman si tsimoso nagtanong kung totoo at kung meron sya. Sabi nya sige ire-record nya ako tapos tyaka ko na lang daw sabihin kung gusto ko o hindi(hehehe tanda ko na nga talaga).

Kinabukasan binigay nya sa akin yung dalawang "pirated" na kopya ng mga kanta nya. Ayaw nya pahiram yung cassette baka daw mawala ko eh. Doon ko napakinggan ang "Mabangis" ng BB Clan, "Granada" ng Madd Poets, "Eto na ang Chekwa" ng Chinese Mafia at "No Abla Tagalog ng"El Latino, lahat ng mga ito Dongalo Wreckords pa noon ngayon hindi na.

So yung tanong ng kaklase ko kung nagustuhan ko ba ang tagalog rap? Anong palagay nyo? ;-)

No comments:

Post a Comment